Nagpalabas ng travel advisory sa kanilang mga mamamayan ang bansang Canada laban sa Pilipinas partikular na sa Mindanao.
Kasunod ito ng ginawang pagpugot ng bandidong Abu Sayyaf sa isa nilang kababayan na si John Ridsdel kamakailan na kabilang sa 4 na bihag nito na dinukot sa Samal Island noong isang taon.
Batay sa kalatas na ipinalabas ng Global Affairs Canada, inabisuhan nito ang lahat nilang mamamayan na pag-aralang mabuti ang sitwasyon ng seguridad kung nagbabalak silang magtungo sa Mindanao.
Maliban sa mga insidente ng pagdukot, nagpahayag din ng pangamba ang Canadian government sa sunud-sunod na insidente ng pagsabog sa ilang lalalwigan tulad ng Cotabato, Cagayan de Oro, Davao, Kidapawan, Zamboanga, General Santos, Jolo at Isabela.
By Jaymark Dagala