Hindi na papayagan pang makapasok ng Canada sa kanilang bansa ang lahat ng mga dayuhan maliban sa mga US citizens at permanent resident holders.
Ito ang inanunsyo ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau kasabay ng paghimok sa lahat ng mga taga-canada na limitahan o iwasan ang social contact.
Ayon kay Trudeau, bahagi ito ng kanilang hakbang para mapigilan pa ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Canada.
Pinayuhan din ni Trudeau ang mga Canadians na manatili na muna sa kani-kanilang mga tahanan at limitahan ang pakikisalamuha sa iba.
Sa pinakahuling tala ng Canada, umabot na sa apat ang nasawi dahil sa COVID-19 sa kanilang bansa habang umakyat naman sa mahigit apatnaraan ang kumpirmadong kaso nito.