Planong kumuha ng Canada ng mga healthcare worker mula sa Pilipinas para mapalakas ang kanilang healthcare system.
Inihayag ng Canadian embassy na full time na trabaho ang iaalok sa mga registered nurses, licensed practical nurses, care assistants at medical laboratory assistants para sa magandang oportunidad sa Saskatchewan Province.
Tutulungan din na makahanap ng trabaho ang mga asawa ng mga matatanggap na healthcare worker.
Ang nasabing hakbang ay alinsunod sa nilagdaang kasunduan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Canadian government. —sa panulat ni Jenn Patrolla