Muling tinamaan ng COVID-19 si Canadian Prime Minister Justin Trudeau.
Ayon kay Trudeau, maayos naman ang kanyang pakiramdam at susunod rin aniya siya sa public health guidelines kabilang ang pag-isolate.
Nabatid na Enero ngayong taon nang unang magpositibo sa COVID-19 ang Canadian leader at nakatanggap na rin ito ng tatlong doses ng COVID vaccine.
Kaugnay nito, hinikayat ni Trudeau ang mga mamamayan na magpabakuna at magpa-booster upang maprotektahan ang kanilang healthcare system maging ang kanilang mga sarili.