Suportado ng Canada ang paninindigan ng Asya at ng buong mundo na ipanawagan ang pag-abandona ng North Korea sa kanilang nuclear weapon at ballistic weapon missile programs.
Sa pagdalo ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa 40th Anniversary Commemorative Summit ng ASEAN at Canada, inihayag nitong dapat nang itigil agad ng North Korea ang nuclear weapons program at sumunod sa kanilang international obligation.
Dapat din aniyang tumalima ang NoKor sa mga inilabas na resolusyon ng United Nations o UN.
Samantala, malugod namang ibinalita ni Trudeau na binuksan na ang unang Canada ASEAN Scholarship Program noong Agosto na magbibigay ng oportunidad para sa mga estudyante mula sa Southeast Asia na makapag-aral sa Canada simula sa Setyembre 2018.