Nangako si Canadian Prime Minister Justin Trudeau na tutulungan nito ang Filipino Micro, Small and Medium enterprises (MSMEs) sa pagpapalago at pagpapaganda ng kanilang negosyo.
Sa nagdaang ASEAN Summit, sinabi ni Trudeau na gusto nitong bumuo ng mas malakas na ugnayan sa Pilipinas para gawing mas madali para sa Canadaian infrastructure builders na makakuha ng mga proyekto sa bansa.
Dagdag pa ng Prime Minister, maraming nakalaang programa ang Canada at malugod itong makipagtulungan sa pilipinas para sa kapakinabangan ng ekonomiya.
Tinanggap naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang alok ng Canada at iginiit na isa sa mga layunin ng kaniyang administrasyon ang matulungan ang mga MSMEs na makabangon mula sa mga epekto ng COVID-19 Pandemic. - sa panunulat ni Hannah Oledan