Inanunsyo ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na magbibitiw na ito sa pwesto bilang lider ng Liberal Party.
Ayon kay Prime Minister Trudeau, dahil sa “Internal fighting” ay naniniwala siya na hindi na niya magawa ang maging lider na kakatawan ng kayang partido sa susunod na halalan.
Mananatili si Trudeau bilang Prime Minister at Lider ng Liberal habang suspendido ang parliamento ng Canada hanggang Marso hangga’t wala pang hinihirang na bagong lider.
Nabatid na labing isang taong naging Lider si Trudeau at siyam na taon na namuno bilang Prime Minister sa Canada.
Matatandaang kaliwa’t kanan ang panawagang magbaba sa pwesto ang Canadian Prime Minister mula sa nasasakupan nito sa gitna ng bumabagsak na public opinion polling, maging sa sariling caucus nito. – Sa panulat ni Jeraline Doinog