Nakangiting umalis ng bansa si Canadian Prime Minister Justine Trudeau.
Maagang dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ang convoy ng tinaguriang APEC hottie.
Agad naman siyang sinalubong sa Bay 49 ng paliparan kung saan, kumaway ito sa mga mamamahayag at nagpasalamat sa mga Pilipino.
Masayang nagpaalam si Trudeau sa mga Pilipino kung saan, bakas sa kaniyang mukha na nag-enjoy ito sa kaniyang pananatili sa bansa.
By Jaymark Dagala | Jelbert Perdez