Nagpaliwanag ang Commission on Elections Employees Union kaugnay sa isinagawa nilang candle lighting activity nuong isang linggo
Ayon sa COMELEC – EU, ang sabayang pagsisindi ng kandila nuong Hunyo 30 ay hindi pagpapakita ng suporta kina COMELEC Chairman Andres Bautista, mga opisyal o maging sa mga miyembro ng poll body
Binigyang diin ng mga kawani ng COMELEC na layon ng kanilang ginawang aktibidad ay para manawagan ng pagkakaisa sa kanilang hanay
Kasalukuyang mainit ang tensyon sa pagitan ng mga opisyal ng COMELEC En Banc kaya’t nangangamba ang mga kawani ng poll body na maapektuhan ang kanilang paghahanda sa Barangay at SK elections sa darating na Oktubre
By: Jaymark Dagala