Tiniyak ni Mexican boxer Canelo Alvarez na gaganti ito sa rematch nila ni Kazakhstani boxer Gennady Golovkin na gaganapin sa Mayo.
Ayon kay Alvarez, sisiguraduhin niyang hahalik sa lona si Golovkin sa araw ng kanilang pagtutuos.
Nag-ugat ang pagngi-ngitngit na ito ni Alvarez sa mga batikos at pangangantiyaw na inabot nito kay Golovkin.
Ito ay matapos na magpositibo si Alvarez sa ipinagbabawal na substance na ayon sa kampo ng Mexican boxer ay dahil sa pagkain ng kontaminadong karne ng baka.
—-