Itinanghal na bagong WBC Middleweight Champion si Saul Canelo Alvarez.
Ito’y matapos talunin ni Alvarez si Miguel Cotto via unanimous decision sa katatapos nilang laban sa Mandalay bay sa Las Vegas.
Gitgitan ang laban nila Alvarez at Cotto sa loob ng 12 rounds ng laro
Magugunitang tinanggal kay Cotto ang kaniyang korona bilang WBC middleweight champion bago pa man ang kanilang laban ni Alvarez
Samantala, napanatili naman ni Guillermo Rigondeaux ang malinis niyang kartada laban sa Pinoy na si Drian Francisco sa pamamagitan din ng unanimous decision.
By: Jaymark Dagala