Humihirit ng taas-presyo ang ilang canned goods manufacturer matapos magmahal ang mga sangkap at iba pang raw materials na ginagamit sa kanilang produksyon.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), 50 centavos hanggang 5 pesos ang hiling na dagdag ng mga manufacturer ng sardinas, de-latang karne, evaporated milk at kape.
Hinihintay pa ng DTI ang mga dokumento mula sa mga manufacturer upang bigyang-katuwiran ang price increase.
Gayunman, nilinaw DTI Undersecretary Ruth Castelo na hindi lahat ng hiling na price hike ay kanilang pagbibigyan. —sa panulat ni Jenn Patrolla