Doble higpit na ngayon ang ipinatutupad sa Fatima sa Portugal kasabay ng nakatakdang pagbisita ruon ni Pope Francis.
Ito’y para pangunahan ang Canonization Rites sa dalawang batang pastol na sina Franciso at Jacinta na pinagpakitaan ng Birheng Maria, 100 taon na ang nakalilipas.
Tinatayang aabot sa isang milyong mga deboto ang dadalo sa nasabing pagdiriwang lalo pa’t ipagdiriwang din ang sentenaryo o ika-isandaang taon ng aparisyon ng Birheng Maria Bukas, Mayo 13.
Bukod sa pinangangambahang pag-atake ng mga extremist, nais ding makatiyak ng Portuguese government na ligtas mula sa anumang tangkang asasinasyon ang Santo Papa.
Magugunitang tinangkang patayin ng isang Spanish fundamentalist priest ang ngayo’y santo nang si Pope John Paul II nuong 1982 gamit ang bayoneta.
By: Jaymark Dagala