Itinakda na ni Pope Francis ang paghirang kay Blessed Mother Teresa ng Calcutta, India bilang pinakabagong santo ng Simbahang Katolika.
Mismong si Pope Francis ang nag-anunsyo ng petsa ng canonization rites kung saan, itinakda ito sa Setyembre 4.
Ilan sa mga itinatag ni Mother Teresa ang Missionaries of Charity na kamakailan ay naging laman ng mga balita dahil sa apat na madre nito ang walang habas na pinaslang sa Yemen.
Pumanaw noong 1997 sa edad na 87, kinilala si Mother Teresa bilang The Living Saint noong dekada 90 dahil sa simple at banal na pamumuhay nito.
By Jaymark Dagala