Anumang oras mula ngayon ay hihirangin na bilang ngayong araw ng simbahang katolika bilang Santo si Blessed Mother Teresa ng Kolkata, India
Isasagawa ang Canonization rites sa St. Peter’s square sa Vatican dakong alas diyes y medya ng umaga o alas kuwatro y medya ng hapon oras sa Pilipinas.
Pangungunahan ni Pope Francis ang pagdiriwang ng banal na misa at ang seremoniya ng canonization kung saan isasapubliko ang ilang relic ng tinaguriang the living saint noong dekada nobenta.
Tatlong beses nang bumisita sa Pilipinas si Mother Teresa, una ay noong 1976, 1978 at 1986 kung saan, binisita nito ang komunidad ng mahihirap.
Isinilang sa Macedonia noong agosto 1910, si Mother Teresa, nagpalipat-lipat ang pamilya nito hanggang sa makarating sa India kung saan niya ibinuhos ang halos buong buhay niya sa kawang-gawa.
Sa edad na diesi otso, tumugon si Mother Teresa sa tawag ng diyos na mag-madre hanggang sa maitatag nito ang Missionaries of Charity nuong 1950
Tumanggap si Mother Teresa ng iba’t ibang pagkilala tulad ng Ramon Magsaysay peace prize nuong 1962 at Nobel Peace Prize noong 1979 dahil sa kanyang masidhing pag-aaruga sa mga tinawag niyang poorest of the poor.
Pumanaw si Mother Teresa nuong ika-lima ng Setyembre 1997 sanhi ng iba’t ibang kumplikasyon sa kaniyang kalusugan.
By: Drew Nacino