Sinuspinde muna ng Kongreso, na nagsisilbing National Board of Canvassers (NBOC), pagbibilang ng mga boto para sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo, sa unang araw ng canvassing.
Aabot sa 60.69% o 105 mula sa 173 Certificates of Canvass na ang nabilang, simula kahapon.
Dakong alas-11 kagabi nang suspendehin ng Kongreso ang Joint Committee Session matapos ang labingtatlong oras simula nang ilarga ang canvassing dakong alas-10 ng umaga.
Ayon kay NBOC Member, Ako-Bicol Party-List Rep. Alfredo Garbin, naging maayos ang canvassing, lalo’t walang tumutol na mga kinatawan ng presidential at vice-presidential candidates sa mga resulta.
Gayunman, tatlong COC ang natuklasang nawawala sa kalagitnaan ng canvassing.
Ito ay ang mga COC ng Surigao Del Sur, Pampanga at Sultan Kudarat, na pawang hindi natagpuan sa ballot boxes na inilipat ng mga election officer sa Senado, kaya’t ipinagpaliban ng NBOC pagka-canvass hangga’t hindi nahahanap ang mga dokumento.
Samantala, mag-re-resume ang canvassing mamayang alas-9 ng umaga. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)