Nasa high risk pa rin ang occupancy rate ng Intensive Care Unit beds para sa COVID-19 patients sa bansa maging sa National Capital Region.
Ayon sa Department Of Health, 77% ng 4,200 ICU beds sa buong bansa ang okupado habang 79% ng kabuuang 1,400 beds sa NCR ang okupado rin.
Dahil dito, ang ward beds sa buong bansa at metro manila ay ikinukunsidera ring nasa high risk.
Tinatayang 73% ng kabuuang 16,000 ward beds sa bansa at 73% ng 4,400 ward beds sa NCR ang okupado.
Samantala, 57% ng kabuuang 3,300 mechanical ventilators sa Pilipinas ang ginagamit habang 61% t ng kabuuang 1,100 ward beds sa ncr ang okupado na rin.—sa panulat ni Drew Nacino