Inalmahan na ng lokal na pamahalaan ng Capas, Tarlac ang pagdadala muli sa Athletes’ Village para sa mandatory quarantine ng halos 50 Pilipino mula sa Diamond Princess sa Japan.
Sinabi sa DWIZ ni Capas mayor Reynaldo Catacutan na tila hindi tumupad ang Department of Health (DOH) sa pangako sa provincial government ng Tarlac na una at huli na ang paggamit sa Athletes’ Village bilang quarantine site ng mga Pilipinong una nang inilikas sa Wuhan City sa China.
Binigyang diin ni Catacutan na ang usapin ay dapat maging sama-samang responsibilidad ng mga Pilipino at hindi lamang ng Capas, Tarlac.
Nangako sila kay Governor Yap na this will be the frist and the last na dadalhin sa Capas, kaya po ngayon, ang sabi ko, ‘bakit naman po sa Capas? Dapat all should be a shared responsibility, not Capas alone.’ Hosting 500 OFWs is a number of too many to handle,” ani Catacutan.
Dahil dito, isinulong ni Catacutan ang pagdadala sa mga ika-quarantine na Pilipino sa iba pang lugar sa bansa.
Kung siya lamang aniya ay walang magiging problema subalit bilang ama ng Capas, iniisip niya ang kapakanan ng kaniyang mga constituents.
Dito sa 2nd batch na ito, gusto namin ipaalam sa Secreatary Duque, hindi naman po kami nag-oobject dito. Pero suggestion lang po namin, hatiin po ang kanilang bilang at mailagay sa ibang mga facilities na secured,” ani Catacutan. —sa panayam ng Ratsada Balita