Pinawalang-sala ng tatlong korte ang isang dating hepe ng legal assistance ng National Bureau of Investigation (NBI) at tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa kasong graft and corruption, robbery extortion at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards of Public Officials and Employees na isinampa ng pangunahing suspek sa Pastillas scam.
Sa magkakahiwalay na desisyon, inabsuwelto ng Manila Regional Trial Court Branch 18 sina Atty. Joshua Paul Capiral, dating hepe NBI Legal Assistance Office; at kapatid nitong si Immigration Officer Christopher John Capiral, sa kasong paglabag sa Anti-graft and Corrupt Practices Act o mas kilala bialng RA 3019 sa kasong isinampa ni Jeffrey Dale s. Ignacio, sangkot sa kontrobersiyal na “Pastillas” scam sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Natuklasan sa desisyon nitong Enero 3, 2022, ibinasura ng korte ang kasong graft matapos mabigo ang prosekusyon na patunayan ang lahat ng elemento ng pagkakasala. Hindi makita ng korte sa testimonya ni Ignacio na may awtoridad o kakayahan ang magkapatid na Capiral na impluwensiyahan ang Office of the Ombudsman na kung saan nakabinbin ang kaso ni Ignacio.
“In the instant case, it was clearly set forth that the case where IO Ignacio was charged with were pending with the Ombudsman, and there was no sufficient evidence to show that Atty. Capiral and IO Capiral, who are employees of the NBI and BI, respectively, had established connections with the Ombudsman, a different government agency, sufficient to influence the cases pending with the said office,” ayon sa korte.
“Hence the Court finds that the prosecution’s evidence fell short in proving all the elements of violating Sec 3 of RA 3019,” ayon sa korte.
Kasabay nito, nagdesisyon din ang Korte na: “there would be no basis to discuss conspiracy between the accused Atty. Capiral and IO Capiral to determine their respective participation for there is no offense to speak of, in view of the failure of the prosecution to prove all the elements of the offense.”
“For the foregoing, this Court finds that the prosecutions failed to satisfy the standard proof beyond reasonable doubt for violation of Sec 3 of RA 3019. Wherefore, the judgment is hereby rendered acquitting Joshua Paul Capiral y Chua and Christopher John Capiral y Chua for violation of Sec. 3 (e) of Republic Act 3019, for failure of the prosecution to prove their guilty beyond reasonable doubt,” ayon sa korte.
“Accordingly, this case is dismissed,” dagdag nito.
Bukod sa kasong graft, kinasuhan din ni Ignacio ang magkapatid na Capiral ng Robbery Extortion dahil hinihingan umano siya ng P200,000 kapalit ng legal services at papadismis ang kasong nakasampa dito sa Office of the Ombudsman.
Subalit, ibinasura din ng Manila Regional Trial Court Branch 18 sa pamamagitan ng kautusan nito na may petsang May 28, 2021sa pag-aapruba Demurrer to Evidence na inihain ng magkapatid na Capiral, ang kasong robbery extortion.
Sinabi ng korte na nabigo si Ignacio na ilahad ang pangyayari kung saan siya tinakot o napuwersa siyang magbigay ng pera at inamin din nito na hindi humingi ng pera ang mga akusado. Kinumpirma din ni Ignacio sa korte na tinulungan siya ni Atty. Capiral na humanap ng ibang abogado sa kaso.
Samantala, sa hiwalay na desisyon, inaprubahan naman ng Manila Regional Trial Court Branch 45 na may petsang November 18, 2022, ang apela ni Capiral na ibasura ang desisyon ng Metropolitan Trial Court ng Manila, Branch 27 na may petsang Mayo 12, 2022 para sa paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
“Accordingly, accused Joshua Paul Capiral is acquitted,” ayon sa korte.
Sa desisyon, nakita ng korte na inamin ni Ignacio na wala itong komunikasyon kay Atty. Capiral at nakausap lamang nito nang personal sa unang pagkakataon ang naturang abogad nang maisagawa ang entrapment ng awtoridad.
Inihayag din ni Ignacio sa korte na nakahanap na siya ng abogado na ipinakilala ni Capiral at hindi nito ginagamit ang serbisyo ng akusado sa kanyang kaso sa Ombudsman.