Itinanggi ng Capitol Medical Center ang umano’y room reservation dito ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda.
Una nang nagpost si Antiporda na bagamat pwede niyang gamitin ang kanyang impluwensya at ma-confine sa nasabing ospital matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), pinili niyang mag-isolate na lamang sa bahay at ibigay ang slot sa matandang magulang ng isang kasamahan sa media.
Sa haba ng pila ng COVID-19 patients para ma-admit, binigyang diin ng Capitol Medical Center na pinaiiral nila ang first in line, first admission policy sa kanilang triage protocols.
Tinitiyak aniya nila sa publiko ang mahigpit na commitment na mag serbisyo sa komunidad kalakip ng professionalism.