Nakapagtala ang probinsya ng Capiz ng 0% COVID-19 positivity rate sa pagtatapos ng taong 2022.
Sa datos na ibinahagi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, maliban sa Capiz, ay nakapagtala rin ng pagbaba ang ilang mga lugar sa Mimaropa, maging ang Visayas at Mindanao regions.
Kabilang sa mga lugar na ito ang Bohol, Cebu, Davao del Norte, Davao del Sur, Leyte, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Oriental Mindoro, Palawan, at Zamboanga del Sur.
Sa kabila nito, nakapagtala naman ng pagtaas ng positivity rate ang Aklan, Iloilo, at South Cotabato.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa dami ng mga taong nagpopositibo sa naturang sakit mula sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na isinailalim sa COVID-19 test.