Nagresulta umano sa ilang milyong viewer engagement sa social media ang pag-alis nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon(TVJ) sa Eat Bulaga matapos ang mahigit 4 na dekada.
Ito’y ayon sa ginawang in-depth analysis sa viewer engagement ng Capstone Intel, isang research and intelligence company, sa iba’t ibang digital platforms sa pagitan ng May 31, 2023 hanggang June 20, 2023.
Dito’y sinasabing lumitaw na umabot sa 8,501,457 ang naging reaksyon ng publiko sa kanilang paglisan sa Eat Bulaga sa Channel 7.
Para sa keywords TVJ o Dabarkads ay nagkaroon ito ng 3,269 posts at comments na aabot sa 812, 951 comments, ang nagshare ay nasa 297,236 shares at 8,501,457 reactions habang sa keyword naman na TAPE, Inc ay nasa 1,673 posts, 409,353 comments, 124,837shares at 3,354,640 reactions.
Napag-alaman na ang statement ng TVJ sa huling araw ng kanilang pag-ere sa Eat Bulaga ay pinagpiyestahan din umano sa social media at naglikha ng iba’t ibang reaksyon kung saan 14.6 % ang nalungkot at 1.2% ang anger reaction.
“Capstone-Intel also gathered other online mentions pertaining to TVJ and TAPE, Inc. The findings revealed presence of the TVJ across various digital platforms, with Videos (35.8%), Blogs (20.9%), Twitter (17.7%), Web (8.8%), News (12.6), Tiktok (1.9%), and Forums (1.6%) garnering high percentages. Similarly, TAPE, Inc.’s online presence and mentions were observed multiple digital platforms such as news (48.2%), videos (16.8%), Twitter (12.8%), web (12.6%), Blogs (8.3%), and Tiktok (1.3%),”ayon pa sa data analysis.