Nakitaan ng pagtaas ng kaso ng dengue sa Cordillera Administrative Region o CAR at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire, patuloy nilang binabantayan ang naturang mga lugar.
Noong nakaraang linggo, sinabi ng opisyal na naobserbahan ang pagtaas ng dengue infections sa Zamboanga Peninsula, Cagayan Valley, Western Visayas, at Davao Region.
Gayunman, binigyang-diin nito na sa kabila ng pagtaas ng dengue cases sa bansa, ay mababa pa rin ito kumpara sa mga naitalang kaso noong 2021.
Aniya, nag-activate na rin sila ng mga fast lane sa mga ospital, at nakikipag-ugnayan na rin sa mga lokal na pamahalaan.
Pinayuhan naman ni Vergeire ang mga mamamayan na sundin ang 4S o ang ”search and destroy mosquito-breeding sites; self-protection measures; seek early consultation of symptoms; at support spraying or fogging” upang maiwasan ang outbreak.