Malaki ang posibilidad na isailalim muli sa mas mahigpit na general community quarantine (GCQ) ang Cordillera Administrative Region at Davao Region sa susunod na buwan.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kasunod ng pagtaas sa 60% ng COVID-19 bed utilization rates sa car at 54% naman sa Davao Region.
Ayon kay Roque, isinasapinal na ng Inter-Agency Task Force For the Management on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang kanilang isusumiteng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ani Roque, pagpapasiyahan naman ito ng pangulo kung kanya itong aaprubahan bagong matapos ang kasalukuyang buwan.
Magugunitang una nang sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na nakatakdang ibalik sa GCQ ang Cordillera Region simula Pebrero 1.
Kasunod ito ng pagkakatala sa 12 kaso ng UK variant ng COVID-19 sa Bontoc, Mountain Province.