Muling isasailalim sa general community quarantine (GCQ) ang buong Cordillera Administrative Region (CAR) simula a-primero ng Pebrero hanggang ika-15 ng Pebrero.
Ito ang kinumpirma ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong matapos ma-detect sa Bontoc Mountain Province ang karamihan ng mga kaso ng bagong variant ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Magalong, kasabay ng pagsasailalim sa GCQ ng buong rehiyon, mas hihigpitan din ang pagkontrol sa border ng Benguet at Mountain Province.
Nangangahulugan aniya ito na kinakailangan nang magpakita ng medical clearance ng mga biyaherong papasok ng dalawang probinsya.
Maliban dito, sinabi ni Magalong na tanging essential travel lamang din ang papayagan sa Benguet at Mountain Province.