Nakatanggap ng farm equipment na nagkakahalaga ng 2-milyon mula sa Department of Agriculture (DA) 13 (Caraga Region) ang dalawang cassava farmers’ associations sa Agusan del Norte.
Ayon kay Regional Executive Director Abel James Monteagudo, layon nitong mapalaki ang produksiyon at kita ng mga magsasaka sa lalawigan.
Sinabi ni Monteagudo na kailangan ng tulong ng mga magsasaka sa probinsya bunsod ng nararanasang krisis sa gitna ng COVID-19 pandemic.