Nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng kaso ng dengue ang rehiyon ng Caraga.
Ayon sa disease surveillance report ng Department of Health (DOH) pumapalo na sa 6,259 ang kaso ng dengue ang naitala mula Enero hanggang nitong nakalipas na October 15.
Ang nasabing bilang ay 89 na porsyentong mas mataas sa naitala sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.
Tatlumpu’t isa (31) sa bilang ng mga nasawi ay may edad apat hanggang apat na taong gulang.
By Judith Larino