Handa na ang Philippine, US at Malaysian Navies sa isasagawang Cooperation Afloat Readiness and Training o CARAT 2016 Naval Exercises sa Sulu Sea, sa Sabado.
Layunin ng pagsasanay na palawakin ang kakayahan ng bawat navy sa cooperative maritime security coordination.
Masusubukan sa multilateral training ang kakayahan ng tatlong hukbong pandagat pagdating sa international maritime security operations lalo ng Pilipinas at Malaysia na may sea boundary.
Kabilang sa isasagawa ang communication drills, maritime security coordination at maritime domain awareness training.
By Drew Nacino