Inilarga na ng Philippine at US navies ang kanilang bilateral exercise bilang bahagi ng Cooperation Afloat Readiness and Training o CARAT 2016.
Layunin ng CARAT 2016 na maglunsad ng pinagsanib na naval operations upang mapahusay ang inter-operability sa pagitan ng hukbong pandagat ng Pilipinas at Amerika.
Ayon kay Philippine Navy Spokesman, Capt. Lued Lincuna, kabilang sa mga aktibidad ng Pilipinas at US ang modern naval warfare, amphibious operations at special operations.
Isinagasawa ang joint exercises sa Olongapo City, Zambales, Palawan at ilang bahagi ng Luzon at Sulu Sea.
By Drew Nacino | Jonathan Andal (Patrol 31)