Ilalarga na ng Commission on Human Rights o CHR ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa inihaing petisyon ng mga environmentalist group laban sa mga kumpaniyang pangunahing nagiging sanhi ng polusyon.
Kasabay ng human rights day sa Disyembre 10, unang sisiyasatin ng CHR ang fossil fuel companies na kabilang sa tinatawag na carbon majors tulad ng Chevron at Royal Dutch Shell.
Ito ang kauna-unahang pagkakataong gagawa ng ligal na hakbang ang CHR na nakatuon sa pagpapanagot sa mga kumpaniyang may malaking pananagutan sa pagpapalala ng climate change.
Ayon sa CHR, maituturing na paglabag sa karapatang pantao ang paglapastangan sa kalikasan sa pamamagitan ng pagbuga ng nakalalasong usok mula sa mga pabrika gayundin sa mga aktibidad sa industriya ng langis tulad gas at coal extraction.
By: Jaymark Dagala