Nanganganib na makulong si dating Youth Commissioner Ronald Cardema at iba pang nominado ng Duterte Youth partylist group.
Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, iniimbestigahan na ng COMELEC law department si Cardema at iba pang nominado ng youth partylist sa dalawang kaso ng material misrepresentation.
Ipinaliwanag ni Guanzon na maituturing na criminal offense ang panunumba ng mga nominado ng partido sa kanilang certificate of nomination na kwalipikado silang maging kinatawan ng youth sector gayung overaged na sila.
Sa ilalim ng party list system act, ang kinatawan ng youth sector ay hindi dapat lalampas ng 30 anyos sa panahon ng eleksyon.
Sinabi ni Guanzon na sakaling mapatunayang guilty, hindi lamang kulong ang parusa kay Cardema at mga kasamahan nito kundi habangbuhay na silang hindi maaaring humawak ng posisyon sa pamahalaan.