Iniurong na ni dating National Youth Commission Chair Ronald Cardema ang kaniyang nominasyon bilang kinatawan ng Duterte Youth party-list group.
Sa kaniyang notice of withdrawal na ipinadala sa Commission on Election (COMELEC), sinabi ni Cardema na sakripisyo ang kaniyang naging hakbang para na rin maiproklama na ng COMELEC ang ikalawang nominee nila at pagbibigay hustisya sa 350,000 Pilipino na dapat nilang pagsilbihan.
Tiwala si Cardema na ang pag-atras niya ay magbibigay daan sa bilang bagong panimula para sa pagtutulungan ng COMELEC at Duterte Youth party-list tungo sa isang maunlad na Pilipinas.
Gayunman, inaakusahan pa rin ni Cardema nang pambubully si COMELEC Commissioner Rowena Guanzon.
Magugunitang si Cardema ay dinisqualify ng COMELEC 1st Division dahil lampas na ang edad nito sa itinakda ng batas kaugnay sa kinatawan ng party-list para sa youth sector.