Kinalma ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang mga Katoliko na sa halip ay magtiwala sa Democratic Process kaugnay sa nakalipas na eleksyon.
Sinabi ni Advincula na tapos na ang halalan kaya’t dapat nang ipagpatuloy ang pagmamahal, pag-aruga at pagdarasal para sa bansa.
Kasabay nito, nagpasalamat din si Advincula sa mga kabataang first time voters na naging mukha ng bansa para sa kinabukasan.
Pinapurihan din ni Advincula ang mga volunteer ng PPCRV sa pagtiyak na magkakaruon ng malinis na eleksyon.