Ipinag-utos ng mataas na Korte sa Australia ang pagpapalaya sa pinakamataas na opisyal ng simbahang Katolika na nakulong dahil sa child sex offenses.
Ang desisyon ay ibinaba ni Chief Justice Susan Keifel limang taon matapos magsimula ang paglilitis kay Cardinal George Pell na una nang inireklamo ng 38 anyos na lalaki matapos umano siyang abusuhin ng kardinal noong 1990’s.
Na-convict sa nasabing kaso si Pell noong December 2018 subalit binaligtad ito ng high court.
Maliban sa pagpapalaya kay Pell binura na rin ang kaniyang pangalan sa mga nakarehistrong child sex offenders sa Australia.