Ipinagdiwang ni Cotabato Archbishop- Emeritus Orlando Quevedo ang kanyang ika-walumpung kaarawan kahapon.
Ngunit dahil dito, hindi na maaaring bumoto si Quevedo para sa posibleng papal conclave sakaling may magbitiw o masawing Santo Papa sa hinaharap.
Tanging si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na lamang ang kinatawan ng Pilipinas para sa conclave o ang botohan para sa susunod na Santo Papa at may pagkakataon ding mapili bilang Santo Papa.
Matatandaang si Quevedo ay ang ika-walong Filipino na naging kardinal at kauna-unahang nagmula sa Mindanao matapos gawing kardinal ni Pope Francis noong 2014.
Si Quevedo ang isa sa mga nagtulak para magkaroon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) na siyang naging basehan ng pagbuo sa bagong Autonomous Region.
Sa kasalukuyan tanging tatlong Filipinong kardinal na lamang ang nabubuhay na kinabibilangan nina Quevedo, Tagle at Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales na kasalukuyan nang 86-taong gulang.
—-