Ipinagdiwang na ng Cardinal Santos Medical Center ang Chinese New Year.
Ang pag-welcome ng Cardinal Santos Medical Center sa Year of the Wooden Dragon ay pinangunahan nina CSMC President at CEO Raul Pagdanganan at CSMC Chief Operating Officer Dr. Zenaida Javier-Uy kasama sina CSMC Chief Medical Officer Dr. Antonio Say at CSMC Assistant Chief Medical Officers Dr. Bernardita Navarro at Dr. Frederick Hope Tan.
Nagtipun-tipon ang mga pasyente, doctors, staff at mga panauhin mula sa Chinese community tulad ni Anti-Crime Advocate Teresita Ang-See sa mismong main lobby ng Cardinal Santos Medical Center para salubungin ang Chinese New Year.
Sa pamamagitan ito ng mga aktibidad tulad ng lion at dragon dance performance na sumisimbolo sa good luck at pagtaboy ng masamang espiritu at naglibot din ang lion at dragon kasama ang god of fortune sa hospital halls at medical arts building ng Cardinal Santos Medical Center para ipakalat suwerte para sa buong taon ng 2024.
Naging exciting part din ng programa ang eye dotting ceremony na mahalaga bilang huling proseso para buhayin ang lion at gawin ang tungkulin nitong magbigay ng good fortune, well being, wealth at safeguarding gayundin ang pagiging simbolo nito para sa patuloy na pagpapalakas ng operasyon ng Cardinal Santos Medical Center para sa susunod na limampung taon.
Ayon kay Dr. Antonio Say, Chief Medical Officer ng CSMC, magandang kalusugan at blessings ng bawat isa ang hangad ng csmc sa pagdiriwang ng Chinese New Year o kilala rin bilang spring festival sa gitna na rin nang pagtupad nila sa commitment nilang pagalingin ang kanilang mga pasyente.
Para ibahagi ang ika nga’y spirit of prosperity at good fortune namahagi ang hospital executives ng hopia sa mga duktor, staff, patients at mga bisita.
Ang nasabing programa para sa Chinese New Year ay patunay ng commitment ng Cardinal Santos Medical Center sa pagsusulong ng inclusive at welcoming environment para sa lahat.
At sa pamamagitan nang pagyakap sa mga cultural traditions at pagbabahagi ng meaningful experiences mahigpit na pinanghahawakan ng Cardinal Santos Medical Center ang sense of community at well being ng bawat isa.
Kaya nga, ang sigaw, Cardinal Santos Medical Center, You Are Family, Happy Chinese New Year!