May panawagan si Manila Arcbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya ngayong Pasko.
Huwag ituon ang sarili sa mga makamundo at pansariling kapakanan bagkus, alalahanin ang kapwa lalo na sa pagbibigay ng habag at awa.
Ito ang binigyang diin ng kardinal sa kaniyang sermon sa misa de gallo sa Manila Cathedral sa pagsalubong sa Pasko.
Idinagdag pa ng arzobispo na mabuting tignan ang mga nakalimutan, inabandona at yaong mga nabura na sa lipunan.
Makabuluhan aniya ang pagdiriwang ng Pasko ngayong taon ng awa o year of mercy kung magkakaroon sila ng puwang sa puso ng bawat isa.
By Jaymark Dagala