Nagbabala si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga botante laban sa aniya’y mga mapagpanggap at mga pekeng lider sa 2016 local at national elections.
Ayon kay Tagle, dapat maging wais at mag-ingat sa pagpili ng mga ibobotong kandidato dahil ang pagboto ay isang banal na karapatan.
Giit ni Tagle, dapat piliin ang mga kandidatong may track-record at servant leader na hindi magnanakaw kung saan nakatuon lamang sa interes at kapakanan ng taumbayan.
Nanawagan din ng suporta ang arsobispo sa mga botante kaugnay ng “One Good Vote Campaign” ng Parish Pastoral Council on Responsible Voting o PPCRV at “Huwag Kang Magnakaw Campaign” ng Archdiocese of Manila Public Affairs Ministry.
By Jelbert Perdez