Balik tungkulin na si Luis Antonio Cardinal Tagle sa Vatican matapos ang isang buwang pagbisita sa bansa.
Ayon sa report ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), nakabalik sa Vatican si Cardinal Tagle nitong linggo para muling gampanan ang tungkuling bilang ‘Prefect Of The Congregation Of The Evangelization Of Peoples’.
Mababatid na nagbalik bansa si Cardinal Tagle para bumisita sa kanyang magulang sa kanilang bayan sa Imus sa Cavite at dumalo sa ilang pagtitipon.
Sa naging homily nito bago bumalik pa-Vatican, sinabi ni Cardinal Tagle na apektado ang lahat sa nagpapatuloy na banta ng COVID-19, ang mahalaga aniya sa pagsubok na ito, ay maipamalas natin ang pakikipag-kapwa tao sa pamamagitan ng pagtutulungan, pagkakaroon ng pakialam sa ating kapwa at pagmamahalan.