Hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang publiko na manindigan at kondenahin ang mga walang kuwentang pagpatay sa mga kabataan sa ilalim ng war on drugs ng pamahalaan.
Ayon sa Kardinal, hindi maaaring pamunuan ang bansa sa pamamagitan ng pagpatay kaya’t dapat na itong matigil sa lalong madaling panahon.
Kasunod nito, ipinag-utos ng Kardinal sa lahat ng parokyang sakop ng Archdiocese of Manila na patugtugin ang kanilang mga kampana sa loob ng 15 minuto bilang pag-aalay ng panalangin sa mga biktima ng extrajudicial killings sa bansa.
Kinontra naman ng Malacañang ang pahayag na ito ni Tagle sa pagsasabing nabibigyan lamang ng atensyon ang mga napapatay gayung mahigit 1 milyong drug personalities ang nagsisuko.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kinikilala ng Palasyo ang pagsusumikap ng simbahan na idaan sa diyalogo ang isyu lalo pa’t layunin ni Pangulong Rodrigo Duterte na protektahan ang buhay ng mga inosente at panatilihing matatag ang pamilyang Pilipino.
—-