Nanawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga Kristiyano at Muslim na manindigan laban sa tinatawag na extremism.
Ayon kay Tagle, dapat magtulungan ang lahat, anuman ang relihiyon, na labanan ang mga grupong nais magdulot ng pagkawasak.
Naniniwala rin ang Cardinal na ang mga kwento ng pagtutulungan ng mga Muslim at Kristiyano sa gitna ng kaguluhan sa Marawi City ay magsisilbing matibay na pundasyon para muling makabangon mula sa giyera.
Dagdag pa ni Tagle, ang mga ganitong pagkakataon ay nagbibigay ng tunay na pag-asa.
By Krista De Dios | With Report from Aya Yupangco