May paalala ang ilang obispo ng Simbahang Katolika sa publiko sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, dapat ipagdiwang ang Pasko kasama ang mga mahihirap at magbahagi sa mga walang-wala.
Para naman kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, dapat maging responsable ang lahat sa paggastos at huwag lamang ituon ang okasyon sa mga materyal na bagay.
Payo naman ni Balanga Bishop Ruperto Santos sa mga Overseas Filipino Workers o OFW, huwag ituon ang pansin sa pagpuno sa mga balikbayan box ng mga regalo para sa mga kaanak.
Kinakailangan aniyang maging tinatawag na “wa-is” ang lahat sa pag-iipon at gamitin ng may kabuluhan ang mga salaping kanilang pinaghirapan.
By Jaymark Dagala