Itinalaga ni Pope Francis si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle bilang bagong pinuno ng Congregation for the Evangelization of People.
Ito ay batay sa inilabas na anunsyo sa Roma.
Pamumunuan ni Tagle ang nasabing kongregasyon na sangay ng Vatican na responsable sa pagtataguyod at pagpapakalat sa pananampalatayang katoliko sa buong mundo.
Hahalili si Tagle kay Cardinal Fernando Filoni na itinalaga naman bilang bagong grand master of the Order of the Holy Sepulcher.
Nakatakdang magsimula si Tagle sa kaniyang bagong tungkulin sa 2020.