Ini-akyat na ng ranggo ni Pope Francis si dating Manila Archbishop ngayo’y Prefect of the Congregation for the Evangelization of People na si Luis Antonio Cardinal Tagle.
Batay sa impormasyon ng Vatican news, mula sa pagiging Cardinal Priest, itinalaga si Tagle bilang kauna-unahang asyanong Cardinal Bishop ng Iglesia Katolika.
Dahil dito, magiging kapantay na ni Tagle ang mga kardinal na nakatalaga sa tinatawag na suburbicarian churches o ang mga Diyosesis na nakapaligid sa Roma.
Ang ranggong Cardinal – Bishop sa simbahang katolika ang pinakamataas na iginagawad sa isang miyembro ng College of Cardinals na siyang naghahalal ng Santo Papa tuwing sila’y sumasailalim sa conclave.