Pamumunuan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, ang special assembly ng mga obispo at cardinal sa California sa Amerika, sa susunod na linggo.
Ito ay kasunod ng imbitasyon ni US Conference of Catholic Bishops President Archbishop Joseph Kurtz.
Ang tema ng pagpupulong ay, “The Bishops as Missionary Leader for the Human Family.”
Inaasahang dadalo sa special assembly ang 449 na obispo at apat na cardinal.
By Katrina Valle