Hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga Katoliko na magtungo sa mga simbahan ngayong “Ash Wednesday” o Miercoles de Ceniza na hudyat ng pagsisimula ng apatnapung (40) araw ng Kuwaresma.
Ayon kay Tagle, dapat makiisa ang mga mananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal, pag-aayuno at pagtulong sa mga kapos-palad.
Nanawagan din ang arsobispo sa mga Katoliko na makibahagi sa Fast2Feed program ng Hapag-Asa na layuning makalikom ng pondo para tinatayang dalawampung libong (20,000) bata sa mga mahirap na komunidad.
Magsisimula naman ang isang linggo ng paghihirap ni Kristo sa Linggo ng Palaspas o Domingo de Ramos, Abril 9 hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay, Abril 16.
By Drew Nacino