Muling pinaalalahanan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga pari sa mga dapat at hindi nila dapat gawin sa 2016 elections.
Kabilang sa dalawang paalala na binigyang diin ni Tagle ay ang pag-iwas sana ng mga pari na magsagawa ng mass weddings na inorganisa ng mga kandidato at pagsasagawa ng misa sa kampanya ng mga kandidato sa eleksyon.
Gayunman, sinabi ni Tagle na puwede namang mag-organisa ang mga pari ng recollection at covenant signing kung saan lahat ng kandidato ay puwedeng imbitahan.
By Len Aguirre