Muling inihalal si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle bilang miyembro ng 15-man council of cardinals and bishops.
Sila ang naatasang mangasiwa sa mga pagsasaayos at paghahanda para sa mga susunod na Synod of Bishops na siyang nagsisilbing advisory council ng Santo Papa.
Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP, bukod sa 15-man council, may itinalaga rin sa kanilang mga permanenteng Secretary General at Undersecretaries.
Pinangalanan mismo ni Pope Francis ang mga makakasama ng kardinal na sina Chaldean Catholic Patriarch Louis sako ng Baghdad, Madrid Archbishop Carlos Osoro at Brasilia Archbishop Sergio da Rocha.
By Jaymark Dagala