Nag-courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Sinalubong si Tagle sa presidential study room nina Presidential Communications Secretary Martin Andanar, Special Assistant to the President Bong Go at Finance Secretary Carlos Dominguez.
Ilang minuto pa ay sunod na pumasok ng kuwarto si Pangulong Duterte na agad nagmano at nakipagkamay nang makaharap ang Kardinal.
Hindi naman idinetalye ng Malacañang ang nilalaman ng naging pag-uusap ng pangulo at arsobispo.
By Drew Nacino
Photo Credit: Malacañang