Muling pinangunahan ni Luis Antonio Cardinal Tagle ang isang misa Manila Cathedral sa unang pagkakataon mula nang maitalaga siya sa Roma.
Ito’y matapos na sumailalim sa self-quarantine ang kardinal mula nang magpositibo ito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pag-uwi nito sa bansa kamakailan.
Sa kaniyang homily, nagpasalamat si Tagle sa diyos at sa mga nagpaabot ng panalangin para sa kaniyang mabilis na paggaling sa virus.
Pinasalamatan naman Fr. Reginald Malicdem, Rector ng Manila Cathedral si Cardinal Tagle na binisita muli nito ang katedral, walong buwan mula nang lumisan siya patungong Roma.
Magugunitang bumaba sa puwesto si Tagle bilang arsobispo ng Maynila nuong marso matapos siyang italaga ni Pope Francis bilang Prefect of the Congregation on the Evangelizations of People.